-- Advertisements --
Patay ang pitong katao matapos ang pagguho ng dalawang tulay sa Russia.
Unang bumagsak ay ang tulay sa Bryansk kaya napilitan ang mga katao na gumamit na lamang ng train.
Matapos ang ilang oras ay bumagsak din ang tulay sa Zheleznogorsk district ng Kursk.
Dahil sa insidente ay nadiskaril ang locomotive train kung saan nasunog pa ang katawan ng driver ng tren.
Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad kung saan inaalam nila na ito ay mayroong kaugnayan sa isang terorismo.
Itinanggi ng Ukraine na sila ang nasa likod ng insidente ng pagbagsak ng dalawang tulay sa Russia.