-- Advertisements --

Nasa pitong katao ang nasawi matapos ang naganap na pamamaril sa isang meeting hall ng Jehovah\s Witness sa Hamburg, Germany.

Nagpakamatay din ang nag-iisang suspek matapos ang nangyaring insidente.

Ang mga nasawi ay kinabibilangan ng apat na lalaki at dalawang babae.

Sugatan naman ang walong katao kung saan apat sa kanila ang may matinding pinsala na kinabibilangan ng isang Ugandan at Ukrainian national.

Wala pang nakuhang impormasyon ang mga otoridad kung ano ang motibo ng suspek.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga kapulisan na mayroong sama ng loob ang suspek na isa ring dating miyembro ng relihiyon.