-- Advertisements --
image 286

Patay ang 7 katao kabilang ang isang sanggol, ang kaniyang 12-taong-gulang na lalaking kapatid at ang kanilang mga magulang sa southern Ukraine matapos ang pag-atake ng Russian forces.

Ang tatlong matanda at dalawang bata ay pinatay sa nayon ng Shyroka Balka, ayon sa Interior Minister Igor Klymenko sa messaging app na Telegram, na naglabas ng mga larawan na nagpapakita ng resulta ng naturang shelling attack.

Isang larawan ang nagpakita ng isang hanay ng itim na usok na tumataas sa bubong ng bahay.

“A husband, wife and their 23-day-old daughter were killed by enemy artillery fire,” ani Klymenko.

Dagdag pa ni Klymenko, ang 12-taong-gulang na anak ng mag-asawa ay naospital sa kritikal na kondisyon at kalaunan ay namatay.