-- Advertisements --

Patay ang pitong bata matapos ang pagguho ng bahagi ng bubong at pader ng paaralan sa western India.

Ayon sa imbestigasyon ng mga otoridad , na bigla na lamang gumuho ang pader at bubong habang nagsasagawa ng klase ang mga bata sa Jhalawar district sa Rajasthan state.

Mayroong 26 ibang mga biktima rin ang naitalang sugatan sa nasabing insidente.

Aabot sa 60 mga mag-aaral, mga guro at staff members ang nasa loob ng isang palapag na gusali ng mangyari ang aksidente.

Itinuturing dahilan ng aksidente ay ang ilang araw na walang tigil na pag-ulan sa lugar.