Umiiral na lamang sa Pangasinan, Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga, Nueva Ecija at Bulacan ang tropical cyclone wind signal number 1 dahil sa tropical depression Butchoy.

Inalis naman ang signal warning sa Metro Manila at iba pang lugar, ngunit aasahan pa rin umano ang mga pagbuhos ng ulan.

Ayon kay Pagasa forecaster Ariel Rojas, huling namataan ang sentro ng bagyo sa San Felipe, Zambales.

Kumikilos ito nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.

Taglay ni ‘Butchoy’ ang lakas ng hangin na 45 kph at may pagbugsong 75 kph.

Una rito, dalawang ulit nagkaroon ng landfall ang bagyo sa Polilio Island at Infanta, Quezon, bago dumiretso sa Central Luzon.