-- Advertisements --
Patay ang pitong katao matapos na sila ay araruhin ng isang kotse ang pabahay ng mga migrants sa Texas border.
Ayon sa mga otoridad sa Brownsville, Texas na agad silang rumesponde sa tawag na pag-araro ng Land Rover sa mga tao na nag-aabang ng bus na masasakyan.
Agad na naaresto ng mga otoridad ang suspek matapos ang insidente.
Inaalam pa ng mga otoridad kung sinadya ba ang nasabing pagsagasa.










