-- Advertisements --
Ibinunyag ng PNP na mayroong pitong unidentified drones ang kanilang pinabagsak sa kasagsagan ng pagbubukas ng 30th Southeast Asian Games sa Philippine Arena.
Sinabi ni retired general Gregorio Pio Catapang, ang director for Games and Security, Safety, na ang desisyon na kanilang pabagsakin ang mga drones ilang minuto bago ang pagdating nina Pangulong Rodrigo Duterte at Brunei Sultan Hassanal Bolkiah.
Hindi naman matukoy kung sino ang mga may-ari ng drones habang ang iba ay pag-aari ng Malaysian delegates at sinabing hindi nila alam na mayroong ipinapatupad na no-flyzone sa lugar.
Paglilinaw naman ni Catapang na hindi sila gumamit ng tunay na baril at sa halip ay gadget para sa pagpapagbagsak ng mga drones.