KORONADAL CITY – Pansamantalang isinailalim sa pitong araw na lockdown ang city hall ng lungsod ng Tacurong at kasama na rin ang City Health Unit para bigyang daan ang disinfection sa buong gusali at magsilbing circuit breaker sa pagkakahawa ng iba matapos na magpositibo din sa COVID-19 ang limang mga empleyado nito.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Dr. Giovanni Deles, Tacurong City Health Officer, ipinahayag nito na magsasagawa rin ng contact tracing ang lokal na pamahalaan ng Tacurong sa nga direct contact sa mga nagpopositibo sa pandemya.
Ito ay kasunod rin ng pagkamatay ni Mayor Angelo “Roncal” Montilla dahil sa COVID-19 at pagpositibo rin ng limang mga empleyado ng ilang departamento sa loob ng city hall.
Dagdag pa nito, maglalagay na lamang ng ilang mga lamesa ang mga tauhan ng city hall para ituloy ang pagbibigay at pagtanggap ng transaksyon na ginagawa sa loob ng city hall .
Samantala, lubos namang ikinagulat ng opisyal ang pagkakatala ng 33 panibagong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Tacurong kahapon base na rin sa updated na impormasyon na kanilang hawak.