Presbitero 1
-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Nakaranas ng matinding pagbaha ang bayan ng Pigcawayan, North Cotabato dahil sa malakas na buhos ng ulan.

Umapaw ang ilog at binaha ang mga kabahayan sa pitong barangays na kinabibilangan ng Brgy Maluao, Presbitero, Anick, Buluan, New Igbaras, Kimarayag at Brgy Midpapan.

Hanggang leeg ng tao ang lalim ng baha.

Pilit pa na iniligtas ng mga residente ang kanilang mga kagamitan sa loob ng kanilang mga bahay.

Agad namang nagresponde ang mga tauhan ng Pigcawayan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office at iniligtas ang mga residente na naipit sa baha kung saan inilikas sila sa mga ligtas na lugar.

-- Advertisement --

Namahagi naman ng tulong si Pigcawayan Mayor Jean Dino Roquero sa mga pamilya na sinalanta ng pagbaha.