Arestado ang pitong indibidwal matapos maaresto sa isinagawang buy bust operations ng PNP Provincial Drug Enforcement Group at Tugaya Municipal Police Station sa Barangay Darusalam, Tugaya, Lanao del Sur nuong Biyernes.

Kinilala ni PRO-ARMM regional police director, CSupt. Graciano Mijares ang mga naarestong suspek na sina: Sohalia “Eyad” Macarimbang, 32-anyos, welder; Sanor Casanguan, 55-anyos, welder; Ansano Omar Madki; Alnaif Dimaarig Ramos, Casanor Palawan Hadjisocor at Diatcatra Guinal Api, 45-anyos at isang magsasaka.

Nakumpiska sa mga naarestong drug suspeks ang anim na heat sealed sachet na hinihinalaang shabu, 1 P500 marked monet at isang improvised glass tooter at lighter.

Inahayag naman ni PRO-ARMM spokesperson PSInsp. Jemar Delos Santos na kasalukuyang nasa kustodiya ng PDEU ang mga suspek para sa kaukulang imbestigasyon at examination.

Dagdag pa ni Delos Santos,lalo pang pinalakas ng PNP ARMM ang kanilang kampanyan laban sa iligal na droga bukod sa pagpapanatili sa peace and order sa nasabing rehiyon.