CENTRAL MINDANAO- Inilibing na sa bayan ng Alamada Cotabato ang pitong taong gulang na batang lalaki na nasawi sa october 31 earthquake sa bayan ng makilala.

Kinilala ang biktima na si Juve Gabrielle Pagaran Jauod na residente ng Barangay Buena Vida, Makilala.

Nasawi si Juve Gabrielle matapos na mabagsakan ng gumuhong pader ng kanilang bahay nang yanigin ang bayan ng magnitude 6.5 na lindol.

Bumuhos ang emosyon sa paghahatid sa huling himlayan ang bata dahil sa panghihinayang.

Maliban kasi sa bibong bata, masunurin at magaling din ito pagdating sa mga asignatura sa paaralan.

Sa katunayan bago lumindol, subsob ang bata sa pag aaral dahil irerepresenta niya ang kanyang paaralan bilang kinatawan sa quiz bowl sa math olympic.

Gayunman ang pangarap ng bata na maging isang bihasang engineer kailan man ay di na matutupad.

Kasama kasing inilibing ang pangarap nito sa paghahatid sa kanya sa kanyang huling himlayan.

Idinadaing din ng mga magulang ng bata na nailibing na lamang ito pero ni singkong duling wala silang natatanggap mula sa LGU Makilala