-- Advertisements --
dolomite people crowd residents

Aabot sa 69% ng adult Filipinos ang nahihirapan ngayong maghanap ng trabaho ayon sa Social Weather Stations.

Ito ay batay sa kanilang isinagawang survey mula noong Marso 26 hanggang Marso 29 na nilahukan ng nasa 1,200 na mga Pinoy na may edad na 18 taong gulang pataas sa buong bansa.

Dito ay lumalabas din na aabot lamang sa 11% ang bilang ng mga respondents nagsabing madali lang ang paghahanap ng trabaho, habang nasa 16% naman ang nagsabing hindi madali o mahirap ang paghahanap ng trabaho, at nasa 4% naman ang mga nagsabing hindi nila alam.

Ayon sa Social Weather Stations, mula pa noong taong 2011 ay hirap ang mga Pilipinong maghanap ng hanapbuhay batay sa kanilang mga survey.

Kaugnay nito ay nasa 50% naman ng kanilang respondents ang naniniwalang mas maraming magbubukas na trabaho sa susunod taon, habang nasa 26% naman ang naniniwalang walang magiging pagbabago sa susunod, at nasa 10% naman ang mga naniniwalang kakaunti lamang ang mga trabahong magbubukas, habang nasa 14a% naman ang nagsabing hindi nila alam.