Suportado ng nasa 69% ng mga Pilipino sa planong implementasyon ng Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) Program sa lahat ng estudyanre sa Senior High School batay sa survey ng Pulse Asia.
Isinagawa ang naturang survey sa 1,200 respondents mula June 24 hanggang 27 kung saan tinanong ang mga ito kung sang-ayon sila o hindi na ipatupad ang ROTC program sa senior high school partikular sa Grades 11 at 12.
Sa naturang survey nasa 16% naman ang hindi sang-ayon at 15% ang nagsabing undecided sa naturang isyu.
Sa Metro Manila, nasa 71% ang nagpahayag ng suporta para sa naturang proposal.
Sa Visayas, nasa 78% ang sang-ayon, Balance Luzon 60% at sa Mindanao naman nasa 64% ang pabor sa ROTC program.
Maalala, sa unang SONA ng Pangulong Marcos Jr kaniyang hinikayat ang Kongreso na maging priority bills ang mandatory ROTC sa senior high school.
-- Advertisements --