-- Advertisements --
KALIBO, Aklan – Umaasa ang mga negosyante sa Boracay na matuloy ang balak ng Department of Tourism (DOT) na buksan ang isla sa mga international tourist sa darating na Disyembre.
Ayon kay Boracay Foundation Incorporated president Mr. Edwin Raymundo, “in place” na lahat ng health and safety protocol upang matiyak na maging ligtas ang lahat sa banta ng Coronavirus Disease-19.
Wala aniyang dapat na ikabahala ang mga turista dahil nananatiling ligtas sa nakakamatay na sakit ang Boracay.
Kung maaalala, binuksan ang isla hindi lamang para sa mga turista ng Western Visayas kundi maging sa mga domestic tourist nitong Oktubre 1.
Sa kasalukuyan, nasa 219 accommodation establishments na ang nabigyan ng Certificate of Auhtority to Operate mula sa DOT.