-- Advertisements --

Nasa 66 percent na sa mga election returns mula sa 8,846 polling precints mula sa kabuuang 13,315 poll centers ang na account na ng mga election officials kung saan ang Lanao del sur at Isabela City ang pinaka unang naka achieved ng 100 percent completion.

Ayon kay newly installed PNP Spokesperson PSSupt. Bernard Banac ang nasabing datos ay mula sa monitoring ng PNP National operations center.

Habang nagpapatuloy pa rin ang canvassing sa ilang bahagi sa mga BOL areas, nakataas pa rin ang alerto sa mga probinsiya ng Lanao del sur, Basilan, Tawi Tawi maging ang siyudad ng Cotabato at Isabela City.

Inihayag pa ni Banac na kaparehong security template ang kanilang ipapatupad para sa nakatakdang plebisito sa February 6 na gaganapin sa anim na municipalities ng Lanao del Norte at 39 barangays sa north Cotabato.

Nasa 3,209 na mga police personnel ang magbibigya seguridad sa ikalawang plebisito.

Sa kabilang dako, kinumpirma ni 6th ID commander MGen. Sobejana na nilisan na ng nasa 6000 MILF forces ang siyudad ng Cotabato kagabi na nagmula sa ibat ibang base commands partikular sa Maguindanao, North Cotabato at Saranggani.

Wala naman namonitor ang militar na presensiya ng mga MNLF members.

Batay naman sa monitoring ng Western Mindanao Command (Wesmincom) as of 3pm of January 22, the partial and unofficial count of votes.

Province of Maguindanao:
Yes- 558,489
No- 6,400

Province of Sulu

Yes- 137,891
No- 152,493
Province of of Lanao del Sur

Yes- 503,626
No- 9,816

Province of Tawi-Tawi
Yes- 143,443
No- 9,419

Province of Basilan
Yes- 138,569
No- 6,589

Cotabato City
Yes- 38,186
No- 26,822

Isabela City
Yes- 18,796
No- 21,810