Tatanggap ng 66 na bagong F-16 fighter jets ang Taiwan mula Estados Unidos. Ito ang pinaka-malaking arms sale na ginawa ng naturang self-governing island sa loob ng nagdaang taon.
Ginawa ang kasunduan na ito matapos ang mas lumalalang panggigipit ng China sa Taiwan sa paniniwalang parte pa rin ito ng kanilang teritoryo
Sa impormasyon na inilathala ng United States Defense Department, ibibigay ang kontrata nito kay Lockheed Martin na siya ring gumawa ng mga fighter jets.
24 na aircrafts naman ang mapupunta sa Morocco. Inaasahan na matatapos ang deliveries ng mga eroplano sa 2026.
Ang mga bagong F-16 jets, o kilala rin bilang F-16V o Viper, ay gagawin sa Lockheed Martin factories sa Greenville, South Carolina at Fort Worth, Texas. Ito ang magiging pinaka bagong upgraded na modelo ng single-engine aircraft na unang lumipad sa himpapawid noong 1970 kasama ang US Air Force.
Idadagdag ito sa halos 140 pang eroplano na una ng kasama sa Taiwanese fleet.