-- Advertisements --

Nasa kabuuang 66 na bansa na ang nagbigay ng tulong sa Turkey habang nagpapatuloy ang search and rescue operations kasunod ng pagtama ng magnitude 7.9 na lindol.

Ayon kay Turkish Ambassador to the Philippines Niyazi Akyol, nasa 3,000 aid personnel na raw mula sa naturang mga bansa.

Kabilang daw sa mga search and rescue at medical aid personnel mula sa Pilipinas ang nasa rehiyon nas sa ngayon.

Todo naman ang pasasalamat nito sa international community para sa mga tulong kasama na ang tulong na ipinadala ng Pilipinas.

Dagdag ni Akyol na kabilang ngayon sa hamon sa search and rescue operations ay ang -5 hanggang sa -10 degree Celsius temperature at snowfalls.

Kabilang pa rito ang mga napinsala at ang mga naharangang road infrastructures.

Sa ngayon, papalo na ang death toll sa Turkey ay nasa 15,000.

Papalo naman sa 52,979 na katao naman ang napaulat na sugatan at nasa 6,444 na mga gusali ang gumuho.

Humingi naman ng paumanhin si Turkish President Recep Tayyip Erdogan dahil mayroon daw kakulangan ang naturang bansa sa pagresponde sa napakalakas na lindol.