-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Tinulungan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang 659 katao sa Apayao na nawalan ng trabaho.

Nakinabang ang mga benepisaryo sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced (TUPAD) ng ahensiya.

Ayon kay Labor and Employment Officer David Damoyan, may pondong P5.7 million ang TUPAD program.

Mula sa naturang bilang ng mga benepisaryo, tig 125 ang mula sa Asipulo, at Alfonso Lista, 130 sa Tinoc, 140 sa Kiangan, 84 sa Lagawe at 55 sa Mayoyao.

Isinasagawa ang TUPAD program para matulungan ang mga indibidwal na nawalan ng trabaho gayundin ang mga nahihirapang makahanap ng trabaho.