-- Advertisements --
Nakapagtala ng 200 na bagong confirmed case ng COVID-19 ang Department of Health (DOH) ngayong araw, April 20.
Batay sa inilabas na case bulletin ng DOH, nasa 6,459 na ang kabuuang bilang ng mga nag-positibo sa COVID-19.
Ang bilang naman ng death toll nasa 428 na bunsod ng 19 na bagong naitalang namatay.
Habang ang mga gumaling ay nadagdagan ng 41 na bagong recoveries, kaya umakyat pa sa 613 ang kabuuang bilang ng mga gumaling.