BAGUIO CITY – Nahaharap sa kasong panggagahasa ang isang lolo dahil sa ilang beses nitong pangbiktima sa kanyang mismong apo sa Lower Loakan-Liwanag, Baguio City.

Ayon sa pulisya, ang suspek ay 64-anyos habang ang biktima ay 15-anyos na may posibilidad ng developmental delay.

Batay sa imbestigasyon ng mga pulis, ilang beses na sekswal na inabuso ng nasabing lolo ang kanyang apo.

Napag-alaman na inamin ng biktima sa kanyang ina na minolestiya siya ng kanyang lolo habang siya ay naliligo.

Dahil dito, dinala ng ina ang kanyang anak sa ospital kung saan dito na diskubre na 22 linggo ng buntis ang dalagita.

Ibinunyag pa ng biktima na paulit-ulit siyang ginahasa ng kanyang lolo sa mga panahong wala ang kanyang mga magulang sa kanilang tahanan.

Dahil dito, nagsampa ng kasong panggagahasa ang ina ng biktima laban sa suspek.