-- Advertisements --
Makakabalik na sa kani-kanilang bahay ang 63 asymptomatic na indibidwal na naka-isolate sa barangay isolation center(BIC) sa Barangay Labangon nitong lungsod ng Cebu.
Ito’y matapos mailabas na ang kanilang resulta at nagnegatibo na sa swab test matapos ang ilang linggong pananatili nito sa nasabing isolation center.
Kasabay ng kanilang pag-uwi ay pababaunan sila ni Mayor Edgardo Labella ng tig-25 kilo ng bigas .
Kung maaalala, nitong nakalipas na araw ay dumulog sa Star Fm ang ilan sa mga ito at nagreklamo dahil sa tagal na nilang pananatili sa BIC at pagnanais na ng mga ito na makakauwi na sa kanila upang makasama na ang kanilang mga pamilya.