-- Advertisements --
Dagupan City – Nasa 600 rapid test ang isinagawa ng City Health Office ng lungsod ng Dagupan para matukoy ang mga indibidwal na positibo sa COVID-19.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Dra. Ophelia Rivera, focal person ng COVID-19 Inter Agency Task Force ng Dagupan City, sinabi nito na target nilang makapagsasgawa ng rapid tests sa lahat ng barangay sa lungsod.
Nauna lamang aniya nilang isinailalim sa rapid test ang mga taong na-expose sa mga nagpositibo at mga Patient Under Investigation (PUI) ng COVID-19 kabilang ang mga frontliners.
Sa ngayon, lima ang kompirmadong kaso ng naturang sakit sa lungsod na kasalukuyang naka-admit naman sa ospital.