-- Advertisements --
ILOILO CITY- Isinailalim na sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Barangay Imbang Pequeño, San Enrique, Iloilo.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay San Enrique, Iloilo Mayor Trixie Fernandez, sinabi nito na ito ay matapos nahawaan ng COVID-19 si Punong Barangay Dante Palmes ng Barangay Imbang Pequeño ng kanyang kasamahang empleyado sa loob ng Universal Robina Corporation (URC) at residente ng Passi City.
Sa ngayon, nasa ospital ang nasabing punong barangay at nagpapakita ng sintomas ng COVID-19.
Samantala,kinumpirma naman ng alkalde na isasailalim sa Reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) test ang 600 na mga empleyado ng nasabing korporasyon.
















