CENTRAL MINDANAO – Pinaabot ni Kabacan Cotabato Mayor Herlo Guzman, Jr. ang kanyang pasasalamat sa abot mahigit 60 na mga volunteers para sa isasagawang 3-Day Vaccination na magsisimula sa November 29 hanggang December 1, 2021.
Ang mga volunteers ay binubuo ng mga doctors, medtech, nurses, teachers, students, at mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Kabacan.
Ayon kay MHO Dr. Sofronio Edu, Jr. katangi tangi ang dami ng mga taong nais makiisa at maglaan ng oras para mapagtagumpayan ang panawagan ng pamahalaan na makabakuna ng aabot sa 19,000 na indibidwal sa isasagawang Bakunahan Bayanihan.
Dagdag pa nito, ipinagpasalamat din nito ang adhikain ng USM na bubuksan nila ang kanilang pinto ngayong November 30 sa publiko para maging lugar sa bakunahan.
Magpapadala din ng mga staff ang Mindanao doctors upang maging katuwang sa isasagawang aktibidad.
Samantala, hinikayat ni Mayor Guzman ang publiko na kahit madami ang nais makiisa sa bakunahan kailangan pa rin ang bawat isang Kabakeño na pumunta at magpabakuna.
Narito ang mga lugar na pupuwedeng puntahan para sa isasagawang Bakunahan Bayanihan:
November 29 – Malabuaya at Salapungan
November 30- USM at Municipal Gym
December 1- Municipal Gym at Cuyapon