Nagsampa ng kaso ang Department of Trade and Industry (DTI), katuwang ang Department of Agriculture (DA), laban sa 60 traders na lumabag sa Republic Act 7581 o Price Act.
Sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez na magkatulong ang dalawang ahensta upang hulihin ang mga profiteering groups na ginagamit ang mga umiiral na restictions dahil sa COVID-19 upang manlamang ng kapwa.
Nagpadala umano sila ng 1,070 mga sulat sa mga tindahan at kinuwestyon ang iba’t ibang isyu tulad ng overpricing na natanggap ng kanilang opisina.
Sa ngayon aniya ay mayroong ng 31 ang =may show cause order. 274 naman ang lumabag sa trade laws at 60 ang sinampahan na ng formal charges.
Kaagad namang kinumpronta ng ahensya ang mga may-ari ng tindahan na nahuling lumalabag sa batas, subalit kung susunod naman daw ang mga ito na i-adjust ang kanilang presyo ay magsisilbi aniya itong first warning at maaari na ulit silang magpatuloy sa kanilang negosyo.
Ang anumang illegal price manipulation ng kahit anong basic necessity o prime commodity sa ilalim ng Price Act ay may karampatang parusa na pagkakakulong ng hindi bababa sa limang taon o hanggang 15 taon.
Kinakailangan ding magbayad ng P5,000 hanggang P2-million sa oras na napatunayan ang nasabing paglabag.
Sa kabilang banda, ang paglabag naman sa price ceiling o pricing na mas mataas pa sa suggested retail price lalo na kung ma kalamidad ay maaaring makulang ng isa hanggang 10 taon. Pagbabayarin din ito ng P5,000 o P1-million.
Samantala, nagpaalala naman si Lopez sa mga consumers na maaari nilang gamitin ang “E-presyo” app upang i-check ang presyo ng mga bilihin sa partikular na supermarket.
Ito raw ay para makita ng mamimili kung saan ito makakasulit lalo na kung may planong bumili ng maramihang produkto.