Niger
Niger

Umabot sa 60 katao ang patay sa naganap na pag-atake sa isang military base sa Niger.

Bagamat walang umako sa nasabing atake ay malaki ang paniniwala ng mga otoridad na kagagawan ng mga Islamic State group at Nigerian-based Boko Haram ang responsable sa atake.

Nangyari ang pamamaril matapos na ianunsiyo ng gobyerno na hihilingin nila ang tatlong buwang extension ng state of emergency na unang idineklara noong dalawang taon ang nakakaraan.

Patuloy pa rin ang ginagawang pagtutugis ng mga security forces sa nasabing mga militanteng grupo.