-- Advertisements --

Iniulat ng Bureau of Immigration na umaabot sa halos 60,000 daily arrivals ang naitatala nito sa buong Pilipinas nito lamang buwan ng Disyembre 2023.

Sa datos ng bureau, nakitaan ng pagtaas ang bilang ng mga nagtutungo sa bansa mula sa dating 50,000 indibidwal na ngayon ay pumapalo na sa 60,000 katao araw-araw sa unang linggo ng Disyembre 2023.

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, nasa mahigit 85% ng mga pasahero ang dumating sa bansa sa pamamagitan ng Ninoy Aquino International Airport.

Bukod dito ay nakapagtala rin ang BI n 31,408 departures nitong Disyembre 23, 2023 na mas mataas kumpara sa 25,759 departures na una nang naitala sa unang araw ng Disyembre.

Samantala, kaugnay nito ay pinayuhan naman ni commissioner Tansingco ang mga daratig na Pinoy a bansa na gamitin ang e-gates ng ahensya sa pamamagitan ng pagrerehistro sa etravel.gov.ph 72 oras bago ang arrival o departure sa Pilpinas paras sa mas mabilis na pagpoproseso ng Immigration clearance.