Tinanggap ng mga alkalde sa Metro Manila ang hamon ng pamahalaan na linisin ang mga kanilang mga kalsada mula sa pribadong paggamit sa loob ng dalaawang buwan.
Nitong Huwebes ng gabi nang humarap sa pulong ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang mga miyembro ng Metro Manila Council at tinalakay ang gagawin nilang solusyon kontra sa traffic.
Tanging si Taguig City Mayor Lino Cayetano lang ang hindi dumalo sa meeting.
Kung maaalala, binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address (SONA) ang hiling sa local government units na gumawa ng aksyon kontra traffic.
Giit ni Duterte, umaabot sa P3.5-bilyon kada araw ang nalulugi sa ekonomiya ng bansa dahil sa siksikan ng mga sasakyan dulot ng mga nakahambalang sa kalsada.
“The inventory of road network can be audited so that we can identify which road network has problem of congestion because of sidewalks and streets being occupied by illegal structures or illegal occupants,” ani Department of Interior and Local Government Usec. Epimaco Densing III.
Nauna ng ipinagutos ni Mayor Francis Zamora ang parking ban sa apat na pangunahing kalsada sa Greenhills, San Juan City.