-- Advertisements --
tondo manila jail break

Tatlo sa siyam na mga bilanggo na lamang ang patuloy pang tinutugis ng Manila Police District.

Ito ay may kaugnayan pa rin sa nangyaring jail break sa sa male custodial facility ng police station 1 sa Raxabago Tondo, Maynila kahapon ng madaling araw.

Batay sa pinakahuling ulat na inilabas ng MPD, sa ngayon ay nasa kustodiya na nilang muli ang mga bilanggong sina Arnold Olino, Andal Jericho, Calayas Albert, Zilmar Adriano, MJ Tuazon, and Gian Carlo.

Habang nananatili pa ring at large ang mga bilanggong kinilalang sina Master Cedric Zodiacal Velasco, Jefferson Tumbaga, and John Joseph Laguna.

kung maaalala, dahil dito ay tuluyan nang sinibak sa puwesto ang apat na pulis Maynila na naka-assign sa naturang police station na kinabibilangan ng mismong hepe nito na si PLTCOL Robert Gupas at tatlo pa nitong mga tauhan.

Matatandaan din na sa panayam ng Bombo Radyo Philippines ay sinabi ni MPD Dir. PCOL Arnold Thomas Ibay na isasailalim ang mga ito sa kaukulang imbestigasyon upang alamin kung gaano kalalim ang naging kapabayaan ng naturang mga pulis hinggil sa nangyaring jail break.

Magugunitang batay sa inisyal na ulat ay nagawang makatakas ng siyam na bilanggo mula sa naturang piitan matapos nitong siralin ang iron grill sa gilid na bahagi ng naturang jail facility.