Patuloy ngayon ang pagtugis sa anim sa pitong preso na pumuga sa Police Community Precint 2 ng Antipolo Police nitong Linggo ng madaling araw.

Kinilala ang mga tumakas na sina Dominic Gabanez, Adrian Demetrio, Russel Martinez, Angelo Roberto, Murphy Sison, Benedict Belmonte, at Edward Magalo.

Batay sa imbestigasyon, ililipat sana sa bagong kulungan ang pito pero tumakas na ang mga ito sa lumang piitan.

Natuklasang nilagari ng mga ito ang iron bar ng kanilang detention cell at saka pumuga.

Una nang naaresto si Magalo matapos makipagtulungan ang mga kaanak nito sa mga otoridad.

Sinibak na sa puwesto ang duty jailer at ang PCP2 commander kasunod ng pangyayari.