-- Advertisements --
Patay ang anim katao matapos ang pagbagsak ng maliit na eroplano sa Port-au-Prince, Haiti.
Galing sa paliparan ng Port-au-Prince ang eroplano at patungo sa Jacmel City ng nagkaroon ng engine failure.
Ayon sa Haitian civil aviation authority na kabilang sa nasawi ang piloto sa aksidente.
Nagpaabot naman ng pakikiramay si Haitian Prime Minister Ariel Henry sa mga biktima ng nasabing plane crash.