BURKINA FASO MAP
Burkina Faso Map

Aabot sa anim katao ang patay matapos ang ginawang pamamaril ng mga armadong kalalakihan sa isang simbahan sa Burkina Faso.

Ayon sa mga otoridad, hindi bababa sa 20 armadong suspek ang lumusob sa lugar at matapos ang nito ay sinunog pa ang simbahan.

Sinabi naman ni Dablo Mayor Ousmane Zongo, na nagkaroon ng pagkatakot ang mga tao sa lugar dahil maging ang ilang gusali ay sinunog ng mga armadong suspek.

Mula pa noong 2016 ay laganap na ang Jihadist violence at ito na ang pangatlong atake sa simbahan sa loob ng limang linggo.

Nagiging aktibo sa rehiyon ang mga grupo na kaalyado ng al-Qaeda at Islamic State group ganun din ang Ansarul Islam.