-- Advertisements --

Inaalam pa ng mga otoridad ang sanhi ng pagbangga ng minibus sa tricycle at waiting shed sa Lubao, Pampanga, bandang alas-4:30 kahapon.

Sa nasabing insidente, anim na katao ang patay habang apat ang nasa kritikal na kondisyon.

Base sa imbestigasyon ng mga otoridad, galing sa Balanga, Bataan ang Oster Liner at patungo sa San Fernando nang maganap ang aksidente sa kahabaan ng Jose Abad Santos Avenue sa Barangay San Isidro.

Sinasabing sumalpok ang bus sa nakaparadang tricycle malapit sa waiting shed.

Hindi pa matiyak kung ang mga nasawi ay pasahero ba ng bus o tricycle.

Itinakbo kaagad sa pagamutan ang mga nasugatang biktima.