GENERAL SANTOS CITY- Nagpalabas ng warrant of arrest ang korte laban sa mga opisyal ng Munificence.
Ang naturang investment group ay nag-ooperate hindi lang sa GenSan kundi nakaabot na rin ang operasyon nito sa ibat-ibang bahagi ng Region 12 (Soccsksargen).
Iniutos ng Regional Trial Court 11th Judicial Region Branch 59 ang pag-aresto ng mga opisyal ng Munificence dahil sa kasong syndicated estafa.
Umabot sa anim na mga personahe ang nilabasan ng warrant of arrest na kinabibilangan nina John Rafael Revilla alias Shantal, Kirby Adrian Adolfo, Maria Corazon Adolfo, Kathryne Ann Adolfo, Johnrell Macapobre Revilla at Godwin Garciano na ang mga ito ay pawang residente ng Reyes Compound Greenville, Barangay Calumpang ng lungsod.
Inaalok ng mga ito ang 45% na tubo sa investment na pera ng miyembro.
Kung matatandaan na nilusob ng mga galit na miyembro ng naturang investment scheme ang bahay ni Shantal noong nakaraang taon matapos na ito’y nagtago at hindi na naipagpatuloy ang pagbibigay ng kanilang grupo ng payout.
May iilan umano ang nakapag-invest ng milyon-milyong pera na halos katulad ang ginagawang panloloko ng KAPA at ALAMCCO.