-- Advertisements --

Nangako si Department of Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin Jr., na magpapatuloy ang ahensya na kilalanin ang mga karapat-dapat na empleyado sa kanilang departamento na nagsisilbing ehemplo para sa ibang tao.

Kasunod ito ng pagbibigay sa Gawad Mabini Awards sa anim na empleyado ng DFA dahil sa kanilang serbisyo na tulungan ang mga overseas Filipino worker (OFWs) na na-stranded sa ibayong dagat dahil sa coronavirus pandemic.

Ilan sa mga recipients ng naturang pagkilala ay ang mga opisyal na tumulong sa repatriation ng mga migrant workers noong nagsisimula pa lamang ang pandemya.

Gayundin ang mga opisyal na namahagi ng milyon-milyong halaga ng tulong para sa mga Pinoy na na-stranded din.

Kasama na rito si Ambassador to Beijin Jose Santiago Sta. Romana na nakatanggap ng Dakilang Kamanong award para sa kaniyang naging papel upang panatilihin ang bilateral relationship sa pagitan ng Pilipinas at China.

Samantala, ang pinakamataas na pagkilala naman o Order of Sikatuna ay iginawad kay Ambassador to Beirut Bernadette Catalla sa naging tulong nito sa mga stranded na Pilipino sa kabila ng nananatili banta ng COVID-19 pandemic.