Upang matugunan ang kakulangan sa kuryente at maibaba ang presyo nito, nakatakdang magtayo ng anim na wind farms sa Northern Samar.
Ayon sa Provincial Information Office ng Northern Samar, isang international infrastructure ng renewable energy investments sa Denmark ang magtatayo ng wind farms sa iba’t ibang bayan sa probinsiya ng Northern Samar. Mayroon itong kapasidad na 650 megawatts na nagkakahalaga ng 108 billion pesos.
Kabilang dito ang bayan ng Bobon, Mondragon, San Roque, Pambujan, Laoang, at Catarman. Pinili ang mga bayan na ito dahil sa resulta ng wind map na nagsasabing may kakayahan itong magkaroon ng sapat ng hangin mula sa kalupaan at karagatan na maaaring mag-generate ng kuryente.
Dagdag pa ng Provincial Information Office ng Northern Samar, nasa pre-development phase na umano ang proyekto at inaasahang magsasagawa na ng ground investigation sa first quarter ng 2024 hanggang 2025.