-- Advertisements --
image 50

Kusang-loob na sumuko ngayon sa kapulisan ang anim na pulis na sangkot mistaken identity incident sa binatilyong si Jemboy Baltazar.

Ito ay kasunod ng inilabas na arrest warrant ng Navotas City Regional Trial Court Branch 286.

Ayon kay CIDG Director PMGEN Romeo Caramat Jr., sumuko ang anim na dating Navotas police sa PNP Criminal Investigation and Detection Group Quezon Provincial Field Unit na kinilalang sina:

1.PEMS Roberto Balais Jr y Dioso;
2.PSSg Gerry Maliban y Sabate;
3.PSSg Antonio Bugayong Jr y Balcita;
4.PSSSg Nikko Pines Esquilon y Corollo;
5.PCpl Edmard Jade Blanco y Sorbito; and
6.Patrolman Benedict Mangada y Danao

Kasalukuyan nang isinasailalim ngayon sa booking process at documentation ang naturang mga indibidwal para sa proper disposition.

Kung maalala, una nang naglabas ng Warrant of Arrest para sa kasong Murder, at ito ay non-bailable.