-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nagpositibo sa COVID-19 ang anim na midwives sa Carles, Iloilo kahit na nabakunahan na ng Sinovac vaccine.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Dr. Ma. Socorro Quiño, Iloilo provincial health officer, sinabi nito na first dose pa lang ng AstraZeneca vaccine ang natanggap ng nasabing mga widwives bilang sila ay bahagi ng A1 priority group.

Sa ngayon, nakaquaratine na ang nasabing mga midwives.

Nagpapatuloy rin ang contact tracing sa kanilang mga nakasalamuha lalo na ang mga bagong panganak.