CEBU CITY – Sinimulan na ng pulisya sa Cebu ang paghahanap sa anim na menor de edad na tumakas sa isang juvenile detention center sa Cebu City.

Ayon kay police Master Sgt. Carmi Lotes ng Guadalupe Police Station agad humingi ng tulong sa kanilang hanay ang mga opisyal ng Operation Second Chance facility matapos umanong sirain ng anim na batang lalaki ang kandado ng main gate ng pasilidad.

Sa ngayon kabilang sa inaalam ng pulisya ang dahilan kung bakit umalis ng center ang mga bata.

Noong Oktubre rin nang tumakas ang 11 menor de edad sa naturang pasilidad dahil umano sa pangmamaltrato ng kanilang natatanggap sa loob.