-- Advertisements --

Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na iwasan muna ang pagkuha ng shellfish at alamang mula sa anim na lugar sa bansa na nagpositibo sa toxic red tide.

Kabilang sa mga lugar na ito ang coastal waters sa Bolinao, Pangasinan, coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol, Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur, coastal waters ng Milagros, Masbate, Litalit Bay, San Benito, Surigao del Norte at Lianga Bay sa Surigao del Sur.

Ayon sa BFAR lahat ng uri ng shellfish at Acete sp o alamang na nakokolekta mula sa nasabing mga lugar ay hindi ligtas kanin.

Samantala, ayon naman kay BFAR National Director Commodore Eduardo Gongona, ang mga isda, pusit, hipon, at alimango ay ligtas kainin basta’t ito ay sariwa at nahugasang mabuti at ang mga internal organs gaya ng hasang at intestines ay matanggal bago ito lutuin.