Nanatiling nasa storm signal number 1 ang anim na lugar sa Luzon dahil sa bagyong “Maymay”.
Ayon sa PAGASA, kinabibilangan ito ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Aurora, Nueva Ecija at extreme northern ng Quezon (General Nakar, Infanta) kasama na ang Pollilo Islands.
Nakita ang sentro ng bagyo sa 320 kilometers ng Baler, Aurora na mayroong lakas ng hangin ng 45 kilometers per hour at pagbugso ng 55 kph.
Naging mabagal ang paggalaw nito at inaasahang maglandfall ito ng Huwebes ng gabi.
Samantala, napanatili ng tropical depression na binabantayan na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang lakas nito.
Nakita ang sentro nito sa 2,140 kilometers silangan ng Southeastern Luzon na mayroong lakas ng hangin ng 45 kph at pagbugso ng 55 kph.
Inaasahan rin na makakapasok ito ng PAR ng Huwebes ng umaga.