-- Advertisements --

Inanunsyo ng European Union na makikiisa sa kanilang gagawing pagpupulong ang mga representante mula Britanya, France, Germany, Russia, China at Iran. Isasagawa ito sa Vienna sa Setyembre 1.

Kasali rin sa pagpupulong ang mga bansang pumirma sa 2015 Iran nuclear agreement ngunit hindi kasama ang Estados Unidos.

Hindi pa isinasapubliko ang mga detalye ng agenda pero inaasahan na tatalakayin dito ang magiging tugon sa nais ng Trump administration na ibalik ang ipinataw na sanction ng UN sa Iran.

Tinatawag na “snapback” mechanism ang hakbang na ito ng Amerika na nakapaloob sa 2015 agreement kung saan papayagan ang kahit sinong partido na kasali sa kasunduan na magdemand sa UN Secuirty Council na ibalik ang sanctions sa Iran kung sakaling lumabag ang nasabing bansa sa naturang agreement.

Hindi naman ikinatuwa ang balitang ito ng Iran.

Ayon sa Russia at China, wala umanong karapatan ang US na humingi ng pabor sa UN hinggil sa sanction dahil tinalikuran nito ang nuclear agreement.

Hindi rin ito suportado ng ilang bansa tulad ng Britanya, France at Germany.