-- Advertisements --

pro 4b1

Nasa ligtas na ang kalagayan ng anim na crew ng lumubog na fishing boat sa karagatan ng Romblon kaninang umaga.

Sa Romblon Municipal Police Station (MPS), lumubog ang MB Advijobe sa karagatan ng Brgy. Alad, Romblon, Romblon kaninang pasado alas-8:00 ng umaga mula sa concerned citizen.

Patungo ang bangka sa munisipyo ng Corcuera nang magdesisyon ang mga mangingisda na sumilong sa lokalidad dahil sa sama ng panahon.

Agad nakipag-coordinate ang Romblon MPS sa Philippine Coast Guard (PCG) at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC).

Pero dahil sa lakas ng alon at zero visibility, naantala ang rescue operation.

Sumaklolo naman ang mga mangingisda sa lokalidad at nasagip ang anim na sakay ng lumubog na bangka, na ngayon ay nasa pansamantalang pangangalaga ng barangay captain.