-- Advertisements --

Anim na makinang pinaniniwalaan na gamit sa paggawa ng pekeng sigarilyo ang nakumpiska ng mga operatiba ng Bureau of Customs-Port of Aparri sa Isabela.

Batay sa ulat ng BOC, nadatnang nasa loob ng dalawang truck na naka-park sa warehouse ng Minante II sa Cauayan City ang nasabing mga makina.

Magkasamang sinuyod ng Customs officials, National Bureau of Investigation-Cagayan at barangay executives ang lugar.

“Although the raiding team did not find any actual fake cigarette, the operation is still a successful one because it foiled a large scale attempt to produce fake cigarettes,” ani Arienito Claveria, acting district collector ng BOC-Port of Aparri.

Itinanggi raw ng may-ari ng warehouse na pagmamay-ari niya ang mga nadiskubreng truck na naglalaman ng nakumpiskang machines.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad para matukoy kung sino ang nasa likod nang pagpuslit sa mga makina.

Kung maaalala, noong Hulyo nang masabat ng BOC ang P2.6-milyong halaga ng pekeng sigarilyo sa Isabela.