-- Advertisements --

Aabot sa 6 million katao sa Metro Manila ang kailangan na mabakunahan para makakita ng malaking kabawasan sa bilang ng COVID-19 cases sa katapussan ng taon.

Ayon kay OCTA Research fellor Fr. Nicanor Austriaco, base sa datos mula Israel, United Kingdom, at United States, lumalabas na 45 hanggang 50 percent ng populasyon ang kailangan na mabakunahan para makita ang epektoo sa bilang ng COVID-19 infections.

Pero base sa vaccine strategy at campaign ng pamahalaan, posibleng makita ang epekto nang pagbabakuna sa third o fourth quarter pa ng taon.

Base sa datos mula sa Department of Health (DOH), mahigit 2 million doses ng COVID-19 vaccines ang naiturok na sa buong bansa hanggang noong Mayo 4.

Iyong mga nakatanggap ng first dose sa frontline health services ay umaabot na sa 1,114,345; sa senior citizens naman ay aabot sa 329,650; ang mga may-comorbidutyt ay 293,312; at 37,342 naman sa essential sector.

Mahigit 320,000 Pilipino naman ang natapos na sa second dose.

Sa naturang bilang 284,065 ang mga health care worekrs; 4,966 ang senior citizens; at 31,555 ang mayroong comorbidity.