CAUAYAN CITY- Nagtala ang Office of the Civil Defense o OCD region 2 ng anim na katao na nalunod sa limang bayan sa Cagayan sa panahon ng Semana Santa.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Sunshine Asuncion, Information Officer ng OCD region 2 na nagtala ang bayan ng Lasam ng isang nasawi dahil sa pagkalunod noong April 12, 2021 habang noong April 15, 2022 ay isa sa bayan ng Allacapan, dalawa sa Solana at isa sa bayan ng Penablanca.
Ngayong araw ay may isa namang naitalang nalunod sa Santa Ana, Cagayan.
Inihayag ni Asuncion na ang nalunod sa Santa Ana, Cagayan ay naganap matapos nitong iniligtas ang kanyang anak at pamangkin ngunit siya naman ang nalunod.
Kaagad namang natagpuan ang mga bangkay ng mga nalunod maliban na lamang sa dalawang nalunod sa Solana na kahapon lamang natagpuan ang mga katawan sa bayan ng Amulong at Natapian, Solana, Cagayan.
Ang mga nalunod ay kinabibilangan ng dalawang babae at apat na lalaki
Sinabi ni Asuncion na ang mga biktima ay nalunod habang nasa mga ilog dahil nakaugalian na ng Semana Santa na lumalangoy ngunit aksidenteng nalulunod.
Samantala, inihayag pa ni Sunshine Asuncion, Information Officer ng OCD region 2 na nakapagtala sila ng vehicular accident sa buong rehiyon dos maliban sa Batanes na umaabot sa dalawamput walo, tatlumput walo ang nasugatan habang walang naitalang nasawi.
Mananatili sa red alert status ang OCD hanggang bukas araw ng Linggo at sa araw ng Lunes ay ilalagay na sa blue alert status.