BACOLOD CITY – Kaagad na binawian ng buhay ang anim na pasahero sa banggaan ng van at truck sa Zamboanguita, Negros Oriental.

Sa panayam ng Bombo Radyo Bacolod kay SPO1 Rosita Mindac ng Zamboanguita Municipal Police Station, sinabi nitong mga estudyante ang lima sa mga namatay habang hindi pa nakilala ang isang pasaherong nasawi.

Maliban sa mga namatay, siyam na iba pa ang nasugatan sa aksidente

Galing sa Cebu City ang mga estudyante at pauwi na sana sa Basay nang mangyari ang aksidente sa Barangay Mayabon, Zamboanguita.

Inaalam pa ng mga otoridad ang dahilan ng salpukan ng dalawang sasakyan.