
Kinumpirma ni Philippine Army Chief Lt. Gen. Cirilito Sobejana na anim pang mga foreign suicide bombers ang kanilang mino-monitor ngayon sa Mindanao.
Ito’y matapos arestuhin ng joint AFP-PNP ang babaeng Indonesian suuicide bomber na Renzy Fantasya Rulli aka Cici,Nana nuong Sabado ng madaling araw.
Sinabi ni Sobejana si Rullie at ang asawa nitong si Andi Baso ay kabilang sa walong foreign suicide bombers na nasa kanilang watchlist.
Sa ngayon target ng militar ang anim pang ibang terorista na napa-ulat na nagtatago sa probinsiya ng Sulu at Maguindanao.
Kabilang sa mga banyagang suicide bombers na kanilang tinutugis ay Malaysian, Indonesian at Egyptian.
” Yes we have the identity and I am not in the position to divulge their names, hahayaan na lang natin gagawin namin ang aming trabaho itoy upang maneutralized; Yes Malaysia, Indonesia, Egypt yan yung mga lugar na kanilang pinanggalingan. Karamihan sa kanila ( Foreign suicide) nasa Sulu at meron din sa Maguindanao area,” wika ni Lt. Gen. Sobejana sa panayam ng Bombo Radyo.
Una ng sinabi ng heneral na nasa 57 na mga foreign terrorist ang nasa watchlist ng AFP ang nakapasok ng bansa na kanila ngayong mino-monitor.
Inihayag naman ni Sobejana na limang buwang buntis ang naarestong babaeng suicide bomber.

Sa impormasyong nakuha ng militar, magsasagawa ng suicide bombing attack si Rullie sa Sulu kapag natapos na itong mag-anak.
Sa ngayon nananatili ito sa kustodiya ng PNP Criminal Investigation and Detection Unit sa Sulu Police Provincial Office kasama ang dalawa pang babae at patuloy na sumasailalim sa imbestigasyon.
Aminado si Sobejana na ang suicide bombing activities ay tila isa ng family affair dahil mga mag-asawa ang sangkot dito na naniniwala sa maling paniniwala.
Dahil dito, pinalakas pa ng militar ang kanilang intelligence monitoring laban sa mga teroristang Abu Sayyaf na mga ISIS-inspired group.
Siniguro naman ng army chief ang suporta sa mga sundalong army na patuloy sa pagtugis sa mga teroristang grupo.
“We will continuesly support our forces to further capacitate them sa paghahanap at pag neutralized sa mga teroristang grupo, ayaw na natin na mag escalate kaya ina identify na natin kung ano yung mga capabilities na kailangan ng ating hanay, ito yung focus ng pag build up natin,” pahayag ni Sobejana sa panayam ng Bombo Radyo.















