-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Anim na mga Barangay sa bayan ng Libungan Cotabato ang tumanggap ng Lupong Tagapamayapa Incentives Awards.

Mismong si Libungan Mayor Christopher “Amping”Cuan

Ang nag-abot ng mga Plaques, Certificates at Cash Prizes sa mga sumusunod na nagwagi sa LTIA ngayong taon.

Ito ay kinabibilangan ng Barangay Kitubod na tumanggap ng Php 80,000,First Runner-up Barangay Ulamian, Php 20,000,Consolation worth of Php 5,000 each,Barangay Malengen ,Barangay Grebona ,Barangay Montay at Barangay Nicaan.

Sinabi ni Mayor Cuan, ang Lupong Tagapamayapa Award ay iginagawad sa mga barangay na may pinakamagaling na programa upang malutas ang hindi pagkakaunawan ng mga mamamayan .

Layon din nito na hikayatin ang mga barangay officials na bumalangkas ng mga hakbang upang maayos ang gulo ng kanilang mga constituents at di na humantong pa sa pagsasampa ng demanda sa korte.

Sumaksi sa awarding ceremony sina Cotabato Provincial DILG Focal Person Narciso Becera at Libungan MLGOO Queenee Annisse Sucol.

Binati naman ni Mayor Cuan ang mga nanalong Barangay sa Lupong Tagapamayapa Incentives Awards at ipagpatuloy pa ang kanilang serbisyong totoo sa taumbayan.