-- Advertisements --

Pinag-iingat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang mga residenteng malapit sa Tulunan fault dahil sa iba pang lindol na maaaring tumama sa Mindanao.

Hindi pa masabi ni Phivolcs Dir. Renato Solidum kung mas malakas o mas mahina na ang maaaring pagyanig dahil nanggagaling lamang ito sa konektadong fault.

Sinasabing nag-trigger ang 6.3 magnitude na lindol noong Oktubre 16 sa panibagong 6.6 magnitude kahapon.

Ayon pa kay Solidum, nasa seismic zone ang epicenter at patuloy ang paggalaw nito kaya nararamdaman pa rin ang aftershocks.